Monday, October 7, 2013

PAG-AARAL NG HANGUGO - IX. KIMCHICHIGE ANG PINAKA GUSTO KO CH.9


PAKSA
Ang ika-9 na kabanata ay tungkol sa <<pagsasabi ng mga bagay na gusto>> at <<panlasa>>. Madalas pinag-uusapan kung ano ang pinaka gustong pagkain at ang lasa nito kaya pag-aaralan natin dito ang iba’t ibang uri ng pagkain.

PAG-UUSAP
Tinatanong ng guro ni Tina sa kanya kung ano ang kanyang gustong pagkain.


선생님: 티나씨, 한국 음식 좋아해요?
티나: 네, 좋아해요.
선생님: 뭘 제일 좋아해요?
티나: 김치찌개를 제일 좋아해요.
선생님: 안 매워요?
티나: 안 매워요. 맛있어요.


Teacher: Tina, gusto mo ba g pagkain sa Korea?
Tina: Opo, gustong-gusto
Teacher: Ano ang pinaka gusto mo sa lahat?
Tina: Kimchichige ang pinakagusto ko
Teacher: Hindi ba maanghang?
Tina: Hindi maanghang. Masarap.


BOKABULARYO (단어)

선생님 guro    좋아하다 gusto 
매워요 maanghang
 hindi           한국 Korea 
음식 pagkain   제일 pinaka- 
김치찌개 kimchichige 
맛있어요 masarap

PANGUNAHING ANYO

좋아해요(좋아하다) gusto    
좋아해요싫어해요 (gusto– hindi gusto)

맛있어요(맛있다) masarap   
맛있어요 – 맛없어요 (masarap – hindi masarap)

매워요(맵다) maanghang      
매워요 – 안 매워요 (maanghang – hindi maanghang)

PAGKAIN SA KOREA
Kanin ang pangunahing pagkain ng Korea. Laging may panchan, sabaw at kimchi. Kadalasan ay dalawa o tatlo o maaring higit pa ang panchan na inihahanda sa hapag kainan. Ang kanin ay sa bandang kaliwa, and sabaw ay sa bandang kanan at nakalagay sa gilid nito ang kutsara at chopstick.


 
 
MGA PANIMPLA / 양념

 
LASA / 맛

짜요 maalat   시어요 maasim  
싱거워요 matabang   달아요 matamis   
써요 mapait   매워요 maanghang

KUSINA / 부엌

도마 sangkalan  뒤집개 sandok   
행주 basahan/pamunas
냄비 kaserola      kutsilyo  

주걱 spatula      국그릇 mangkok  
접시 pinggan      밥그릇 lalagyan ng kanin
 tasa              주전자 takure 
프라이팬 kawali  가스레인지 gas range 
국자 sandok para sa sabaw


LINKS:
PAG-AARAL NG HANGUGO - I. KUMUSTA CH.1
PAG-AARAL NG HANGUGO - II. ANO ANG IYONG NASYONALIDAD CH.2
PAG-AARAL NG HANGUGO - III. ITO ANG AKING INA CH.3
PAG-AARAL NG HANGUGO - IV. MAGKANO? CH.4
PAG-AARAL NG HANGUGO - V. BIGYAN NYO PO AKO NG TATLONG PIRASONG MANSANAS CH.5
PAG-AARAL NG HANGUGO - VI. ANONG ORAS NA NGAYON? CH.6

PAG-AARAL NG HANGUGO - VII. KAILAN ANG IYONG KAARAWAN? CH.7
PAG-AARAL NG HANGUGO - VIII. MAG-ARAL NG HANGUGO CH.8



No comments:

Post a Comment