Monday, October 7, 2013

PAG-AARAL NG HANGUGO - VIII. MAG-ARAL NG HANGUGO CH.8



PAKSA
Ang ika-8 na kabanata ay tungkol sa <<mga gawain sa buong araw>>. Pag-aaralan natin ang mga Gawain sa buong araw sa paggamit ng mga pandiwa. At pag-aaralan din natin kung paano gamitin ang salitang ‘그리고’ sa pagdudugtong ng dalawang pangungusap.


PAG-UUSAP
Sina Tina at Lisa ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga gawain tuwing hapon.


Sa Kultura ng Korea kapag sinabing 아침밥을 ito ay almusal. 점심밥을 ito ay tanghalian at; 저녁밥을 ito ay hapunan. At kapag sinabing 아침밥을 먹었어요 o kaya 아침을 먹었어요 (Nakapag almusal na ako).

리사: 티나씨는 매일 오후에 무엇을 해요?
티나: 한국어를 공부를 해요.
리사: 그리고 무엇을 해요?
티나: 텔레비천을 봐요.
리사씨는 매일 오후에 뭘 해요?
리사: 운동을 해요. 그리고 밥을
먹어요.


Lisa: Tina, ano ang ginagawa mo araw-araw tuwing hapon?
Tina: Nag-aaral ng Hangugo.
Lisa: At ano pa ang ginagawa mo?
Tina: Nanonood ng Telebisyon.
Ikaw, Lisa ano ang ginagawa mo araw-araw tuwing hapon?
Lisa: Nag-eehersisyo at kumakain.


BOKABULARYO (단어)

매일 araw-araw  ~해요  ginagawa 

오후 hapon          한국어 wikang Korean 
봐요 manood       텔레비천  Telebisyon
무엇 ano             공부 aral '

뭘(무엇을) ano    리고 at 
운동 ehersisyo  


BALARILA (문법)

을/를 Kapag ikinakabit sa pandiwa at tinutukoy nito ang ginagawa ng pinag-uusapan sa pangungusap.
 

Halimbawa
밥을 먹어요
 Kumakain

청소를 해요 Naglilinis
Salitang nagtatapos sa katinig (Patchim)   - 신문, 책
Salitang nagtatapos sa patinig (No Patchim)   - 공부, 우유


어요/아요/해요 Ito ang magalang na pananalita na ikinakabit sa salitang ugat sa pandiwa.


Ang salitang ugat ng pandiwa (hindi kasali ang ) kapag ito ay nagtatapos saㅏ,ㅗ ikinakabit ang 아요. Kapag ㅓ,ㅜ,ㅡ,ㅣ... naman ikinakabit ang 어요. At ang 하다 naman ay pinapalitan ng 해요.

PAGSASANAY
Palitan at ikabit sa salitang ugat ng pandiwa ang 어요/아요/해요


Halimbawa





LINKS:
PAG-AARAL NG HANGUGO - I. KUMUSTA CH.1
PAG-AARAL NG HANGUGO - II. ANO ANG IYONG NASYONALIDAD CH.2
PAG-AARAL NG HANGUGO - III. ITO ANG AKING INA CH.3
PAG-AARAL NG HANGUGO - IV. MAGKANO? CH.4
PAG-AARAL NG HANGUGO - V. BIGYAN NYO PO AKO NG TATLONG PIRASONG MANSANAS CH.5
PAG-AARAL NG HANGUGO - VI. ANONG ORAS NA NGAYON? CH.6

PAG-AARAL NG HANGUGO - VII. KAILAN ANG IYONG KAARAWAN? CH.7



No comments:

Post a Comment