I. KUMUSTA
PAKSA
Ang unang kabanata ay tungkol sa <<pagbati
sa unang pagkikita>> at <<pagpapakilala ng sarili>>. Pag
aaralan natin dito ang mga salitang ginagamit sa pagbati at kung paano
ipakilala ang sarili sa bagong kakilala.
PAG-UUSAP
Unang pagkikita nina Tina at Lan. Bawat isa ay
nagpapakilala ng kanya-kanyang pangalan.
티나: 안녕하세요? 저는 티나예요.
란: 안녕하세요? 저는 란이에요.
티나: 만나서 반가워요.
란: 만나서 반가워요.
Tina: Kumusta? Ako si Tina
Lan: Kumusta? Ako si Lan
Tina: Ikinagagalak kitang makilala
Lan: Ikinagagalak din kitang makilala
BALARILA (문법)
저(나) Ako
만나서 반가워요 Ikinagagalak kitang makilala.
이에요 / 예요 Ikinakabit ito sa dulo ng pangalan. Ginagamit sa paglalarawan at pagpapakilala ng simuno at panag-uri sa pangungusap.
저는 에블린이에요. Ako si Evelyn.
저는 마야예요. Ako si Maya
Ang salitang nagtatapos sa Katinig(Patchim) 이에요
Ang salitang nagtatapos sa Patinig (Walang Patchim) 예요.
IBA’T IBANG SALITANG GINAGAMIT SA PAGBATI
안녕하세요? Sa unang pagkikita: Kumusta?
안녕하세요? Sa unang pagkikita: Kumusta?
안녕히 계세요. Panauhin: Pagpapaalam sa maybahay.
안녕히 가세요. Maybahay: Pagpapaalam sa panauhin.
만나서 반가워요 Sa unang pagkikita: Ikinagagalak kitang makilala.
만나서 반가워요 Sa unang pagkikita: Ikinagagalak din kitang makilala
다녀올게요 Ang aalis: Aalis muna ako at babalik din
안녕히 다녀오세요 Ang maiiwan: Ingat. Bumalik ka uli
축하해요 Ang bumabati: Binabati kita / Congratulations
고마워요 Ang binabati: Salamat
미안합니다 Ang nagkamali: Ipagpaumanhin / Sorry
괜찮아요 Ang nasakitan: Hindi bale / Okay lang / It’s alright.
안녕히 주무세요 Sa gabi: Matulog po kayo ng mahimbing /Goodnight
안녕히 주무셨어요 Sa umaga: Nakatulog po ba kayo ng mabuti?
> Nakagawian na ito ang sinasabi sa mga nakatatanda bago makatulog at
paggising sa umaga
잘 먹겠습니다 Bago kumain: Salamat kakain ako ng mabuti
잘 먹었습니다 Pagkatapos kumain: Salamat. Napasarap ang kain ko.
> Bilang pasasalamat sa nagluto at naghanda ng pagkain ay ganito ang
sinasabi ng panauhin. Kakaiba sa kulturang Pilipino, hindi na kailangang
banggitin pa ito sa hapag-kainan.
LINKS:
PAG-AARAL NG HANGUGO - II. ANO ANG IYONG NASYONALIDAD CH.2
PAG-AARAL NG HANGUGO - III. ITO ANG AKING INA CH.3